Cayetano bagong Speaker
MANILA, Philippines — Inihalal kahapon bilang House Speaker ng ika-18 Kongreso si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, alinsunod sa suhestiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mismong si Davao Rep. Paolo Duterte, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez ang nag-nominate kay Cayetano habang si Ambis-Owwa Rep. Sharon Garin naman ang nag nominate kay Manila 6th district Rep. Benny Abante para sa sa posisyon na maging speaker.
Sa huli, nanaig si Cayetano at nakuha ang 266 boto mula sa 297 mambabatas na nasa plenaryo habang 28 na boto naman ang nakuha ni Abante na otomatikong magiging minority leader.
Nag-abstain naman sa nasabing botohan sina Buhay Rep. Lito Atienza at Magdalo Rep. Manuel Cabochan habang hindi bumoto si Albay Rep. Edcel Lagman.
Sa ilalim ng suhestiyon ni Duterte, may term-sharing o hatian sa termino ng pagka-House Speaker sina Cayetano at Velasco.
- Latest