Lady trader utas, driver sugatan sa holdap
Christian Ryan Sta. Ana (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 60-anyos na ginang habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang driver nang pagbabarilin sila ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at tinangay ang bag na may lamang pera kamakalawa sa Barangay Saverona, Talugtug, Nueva Ecija.

Ang nasawi ay kinila­lang si Sonia Dasalla, ng Barangay Baloy, Cuyapo.Habang nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang drayber nitong si Fernando dela Rosa Jr., 68, ng Barangay Magsaysay, Talugtug.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-11:20 ng umaga ay galing ang dalawang biktima sa opisina ng Sacred Heart Cooperative sa lungsod ng Muñoz at nag-loan ng pera.

Habang sakay ng kulay gray na Nissan pick-up (CMZ-648)  at binabagtas ang kahabaan ng Talugtug-Muñoz Road ay hinarang sila ng isang motorsiklo ng dalawang suspek at agad na pinagbabaril.

Hindi pa masabi ng pulisya kung magkano ang cash na natangay ng mga suspek sa biktima na ni-loan ni Dasalla.

SONIA DASALLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with