^

Police Metro

Magdiyowa timbog sa buy bust

Cristina Go-Timbang - Pang-masa
Magdiyowa timbog sa buy bust
Kinilala ni Police Major Romulo Co Dela Rea ang mga suspek na si Edgardo Sarimos Pisman na nasa listahan bilang drug pusher at may information report na dati nang nakulong sa pagtutulak, 52 anyos, residente ng Sitio Niogan, Brgy Paliparan 1.

CAVITE, Philippines — Arestado ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency ang magdiyowang nasa High Value Target (HVT) ng pulisya sa isinagawang buy bust ng mga ito kamakalawa ng gabi sa Brgy Paliparan 1, Dasmariñas, Cavite.

Kinilala ni Police Major Romulo Co Dela Rea ang mga suspek na si Edgardo Sarimos Pisman na nasa listahan bilang drug pusher at may information report na dati nang nakulong sa pagtutulak, 52 anyos, residente ng Sitio Niogan, Brgy Paliparan 1.

Kasama ring naaresto ang diyowa ni Sarimos na si Clarissa Lagman, 19 anyos, residente ng Phase 1b, block 48 excess lot Brgy. Acacia, Silang Cavite.

Sinabi ni Dela Rea na nakipag coordinate sila kay Police Supt Nerwin Ricohermoso, hepe ng Dasmariñas City Police, hinggil sa nasa lugar nito nagtago ang kanilang target .

Kasama ang ilang miyembro ng PDEA at sina Col Ricohermoso, isinagawa ang drug bust laban kay Sarimos.

Alas 11:00 ng gabi ikinasa ang buybust sa Brgy. Paliparan 1 kung saan isang SDEU ng GMA police ang tuma­yong scorer at nakipag-deal sa suspek. Habang nag aabutan ay dito na ito dinakma ng kapulisan kasama ang kanyang dyowa na pinagbitbit nito ng ilang shabu.

Narekober sa mga ito ang may 60.7 grams ng shabu na aabot sa mahigit kumulang sa kalahating milyong pisong halaga. Nakakuha rin ng mga drug paraphernalias at drug money.

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with