Sanggol na lalaki todas sa rape
Danilo Garcia (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang taong gulang na lalaki ang nasawi matapos na gahasain ng isang 28-anyos na obrero na ang bangkay ay iniwan sa isang abandonadong gusali sa Makati City, kahapon ng mada­ling araw.

Ang biktima na dinala pa sa ospital ay itinago sa pangalang Totoy, ng Brgy. San Antonio, ng na­sabing lungsod.

Agad namang naaresto ang suspek na si Gerald Reparip, stay-in laborer sa construction site sa Cabulusan Street, Muntinlupa City.

Sa ulat, nagdiriwang ng kaarawan ang lolo ng sanggol at nagpainom sa ikalawang palapag ng abandonadong gusali sa Yakal St., kung saan caretaker sila at isa sa bisita ang suspek na si Reparip.

Makalipas ang ilang oras, napansin ng mga kaanak na nawawala ang sanggol kaya’t hinanap nila ito hanggang sa na­tagpuan na wala nang buhay sa ikapitong palapag ng gusali dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Itinuro ng ilang saksi na si Reparip ang huling nakitang may karga sa biktima na binilhan pa niya ng pagkain sa katapat na tindahan kaya’t agad itong inaresto.

Umamin si Reparip sa krimen at sinabi na ipinasok niya ang kanyang ari sa puwitan ng bata at sinakal. 

Hindi umano niya namalayan ang kanyang ginagawa dulot umano ng sobrang kalasingan.

Ang suspek na naka­kulong na ay kinasuhan ng rape at homicide.

GERALD REPARIP RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with