Miss Magnetico Philippines World 2019 winner pinarangalan
(Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binigyang-pagkilala ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar si Ms. Niña Ruth Vega, na kinoronahan bilang kauna-unahang Miss Magnetico Philippines World 2019 kamakailan.

Sa idinaos na regular flag raising ceremony sa harapan ng Las Piñas City Hall, personal na iniabot ng alkalde kay Vega ang Certificate of Recognition at P50,000 cash matapos na magwagi sa naturang prestihiyosong patimpalak.

Si Vega, isang Grade 10 student ng University of Perpetual Help, System Dalta, Las Piñas Campus ay anak nina dating police beat reporter na Vic Vega ng Manila Bulletin at Sports Reporter na si Virgie Rodriguez Vega. Bukod sa titulong Ms. Magnetico Philippines World 2019 title, napanalunan din ni Vega ang 12 pang special awards sa pageant, kabilang ang Best in Ramp, Role Model of the Year, Designers Choice Award, Miss Congeniality, Darling of the Crowd, Best in Long Gown, Best in Production Number, Most Creative Wear, People’s Choice Award, Magnetico Jeans Ambassadress, Coach B Ph Ambassadress, at Face of Magnetico. Taos pusong nagpapasalamat si Ruth sa kanyang pamilya, kaibigan at lahat ng taong tumulong sa kanya sa pangunguna ng Frontrow International, Coach B at Magnetico Fragrance na siyang naging inspirasyon para manalo sa timpalak.

MISS MAGNETICO PHILIPPINES WORLD 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with