PNP pinalagan ang ‘Ang Probinsyano’ rape scene ng ‘lady cops’
Joy Cantos (Pang-masa) - July 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pinalagpas ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagyurak sa dangal ng mga  babaeng pulis sa serye ng “Ang Probinsyano” ABS-CBN Channel 2 matapos na mapanood at mag-trending sa social media ang ek­senang gang rape ng grupo ng isang organisadong kriminal sa hostage na naka-unipormeng mga babaeng pulis.

Kaya’t nanganganib na namang magkalamat ang relasyon sa pagitan ng PNP at ng mga opisyal na namamahala sa palabas na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin.

 Nabatid na ikinadismaya ng PNP ang nasabing eksena matapos naman ang naunang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng PNP at ng ABS-CBN  na hindi na sisirain muli ang imahe ng kapulisan sa mata ng publiko.

Ang nasabing eksena ay nag-tren­ding din sa social media matapos ang ilang netizens ang mairita sa umano’y pam­bababoy ng teleserye sa dangal ng babaeng pulis na ginagahasa ng mga mi­yembro ng sindikatong organisadong kriminal.

Sinabi ni PNP Acting Spokesperson Police Lieutenant Colonel Kimberly Molitas na rerepasuhin nila ang nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) sa Production Staff ng “Ang Probinsyano”.

“In light of the concern raised by netizens and police officers on the “Ang Probinsiyano” scene where policewo­men in uniform were being harassed and raped, we  will talk to the Production Staff of ABS CBN and look at possible violation of our existing Memorandum of Understanding”, ani Molitas.

Idinagdag pa nito na sakaling ma­patunayan na may nilabag na naman ang naturang programa, sinabi ni Molitas na hindi magdadalawang isip ang PNP na bawiin ang nilagdaan nilang kasunduan.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with