Abu Sayyaf sub-leader utas nang manlaban
Joy Cantos (Pang-masa) - July 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang sub-leader ng Abu Sayyaf ang napatay matapos na manlaban ito habang inaaresto ng mga otoridad sa kanyang bahay sa Brgy.Parian Baunoh, Lantawan, Basilan, kamakalawa.

Kinilala ni Brigadier Ge­neral Fernando Reyeg, commander ng Joint Task Force Basilan, ang bandidong lider na si Arod Wa­hing, sub-leader ni Radulan Sahiron, ang lider ng grupo.

Batay sa report ni AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, ban­dang alas-3:25 ng mada­ling araw nang magsagawa ng ope­rasyon ang mga elite troops ng Army’s Special Forces Battalion (SFB) at 2ndPolice Mobile Force Company (PMFC) sa bisinidad ng Brgy. Bauhoh, Lantawan ng lalawigan.

Isisilbi ng mga otori­dad sa suspek warrant of arrest sa kasong murder.

Bukod dito ay sangkot din ang grupo nito sa kid­napping for ransom at pa­­­mumugot ng ulo ng mga hostages na walang maibayad na ransom.

Tinangka ng suspect na manlaban nang bunutin ang kanyang cal. 45 pistol pero naging maagap ang elite team na agad nakipagpalitan ng putok sa nasabing bandido na agad nitong ikinasawi.

Narekober sa suspek ang isang cal 45 pistol na may pitong bala at naaresto ang dalawang kasama na sina Nasser Jumadil ng Jolo at Jerry Ahang na na­kumpiskahan ng isang M1 garrand cal 30 rifle at isang MK2 fragmentation grenade.

ABU SAYYAF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with