Bodyguard ng mayor, 2 pa todas sa tandem

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek at walang kaabug-abog na binaril sa ulo.Nadala pa ang biktima sa Roxas District Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isa umanong bodyguard ng mayor kamakalawa ng gabi sa Isabela.

Ang nasawi ay kinila­lang si Manny Asprec, 42, ng Brgy. San Jose Norte at bodyguard umano ni Mallig, Isabela Mayor Jose Calderon.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek at walang kaabug-abog na binaril sa ulo.Nadala pa ang biktima sa Roxas District Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Patay din ang biktimang si Aristotle Lappay, 37 nang ito ay barilin dakong alas-6:00 ng gabi ng riding in tandem suspects habang kasamang naglalakad ang nobyang si Jessa Mansibang sa Barangay Del Pillar sa bayan ng Cabatuan.

Sa Sto. Domingo, Ilocos sur, nakita pang kausap ng waiter na si Marlon Aglibot 38 ang suspek bago siya barilin loob ng pinapasukang Videoke bar sa Brgy. Camestizuan dakong alas 11:20 ng gabi.

Show comments