Ito ang inihayag ni Sen. Bong Go sa paghahain niya ng panukalang batas na kung saan ay puwede nang magkabahay ang mga kapus-palad na Filipino.
File
Sen. Bong Go, isinulong ang pabahay sa mga mahihirap
(Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Dapat ay wala ng squatter sa sariling bayan”.

Ito ang inihayag ni Sen. Bong Go sa paghahain niya ng panukalang batas na kung saan ay puwede nang magkabahay ang mga kapus-palad na Filipino.

Sa panukala ni Go, bibilhin ng gobyerno sa may-ari ng lupa sa pamamagitan ng Community Mortgage Program (CMP) ang lupain ng tinitirhang mga bahay ng mga illegal settlers.

Kailangan lang na magbuklod ang mga residente at magtayo ng asosasyon para mapadali ang pagbayad nila ng lupa na pag-aari na ng gobyerno.

Sa mga nasunugan naman ng bahay o wala tala-gang matirahan, may mga mura at affordable hou-sing projects ang gobyerno na kayang-kaya ng mga ordinaryong Pilipino.

Layunin ni Sen. Go sa nasabing panukalang batas ay ang mura at affordable housing para sa mga illegal at informal settlers, gayundin sa mga nasunugan.

Ang nasabing panukalang batas ay isa sa 10 na inihain ni Sen. Go noong nakaraang linggo kabilang ang pagtatag ng OFW department, senior citizen, malasakit center, dagdag sweldo sa mga government employees, teachers, nurses at iba pa.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with