3-anyos na binihag ng amang drug pusher, patay na
Mer Layson (Pang-masa) - July 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay ng biktimang si Myka Ulpina, 3 na tinamaan ng bala sa katawan nang gawing­ human shield ng amang drug suspect nang manlaban ito sa buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal kamakalawa ng umaga.

Magugunita na binihag ang biktima ng kanyang tatay na si Renato Dolorfina, alyas ‘Kato’, nang manlaban sa mga pulis na nagtangkang umaresto sa kanya at isa pa ay hindi nakilalang kasamahan sa isang buy-bust operation sa kanyang bahay sa Pines Street, Metro Manila Hills Subdivision, Barangay San Jose, Rodriguez.

Sa naturang engkuwentro ay namatay ang pulis na si P/SMS Conrado Cabi­gao, na nagsilbing poseur buyer sa ope­rasyon nang barilin ng suspek habang namatay din ang huli nang gumanti ng putok ang mga kasamang pulis ng una.

RENATO DOLORFINA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with