^

Police Metro

2 retiradong guro patay sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nakalabas sa nasusunog nilang bahay ang dalawang retiradong guro sa magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Pangasinan at Batangas kahapon.

Iniulat ng Pangasinan Police, dakong alas-12:20 ng madaling araw nang masunog ang bahay ni Nora Erfe, 89, ng Brgy. Poblacion, San Fabian, Panga­sinan na nagsimula sa silid nito matapos matumba ang kandila sa altar at mabilis kumalat ang apoy.

Narekober ng mga bumbero ang halos hindi na makilalang bangkay ng matanda sa loob ng banyo nang maapula ang apoy dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Sa Brgy. Sampaga, Batangas City, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang masunog ang bahay ng biktimang si Ce­lering Alday, retiradong guro at hindi na ito nakalabas ng kanyang bahay.

Dakong alas-3:32 ng madaling araw matapos mapatay ang apoy ay narekober ang sunog na katawan ng biktima.

vuukle comment

NORA ERFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with