^

Police Metro

Call center agent tigok sa sagasa ng SUV

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang binatang call center agent matapos masagasaan ng isang humahagibis na SUV habang tumatawid sa highway sa Brgy. Chrysanthemum, San Pedro City, Laguna kamakalawa.

Ang 33-anyos na biktima ay kinilalang si Gian Paolo Benito, residente ng #10 F. Santiago St., ng naturang lugar.

Agad namang naaresto ng mga otoridad ang dri­ver ng Toyota Innova (con­duction sticker A3 X874) na tinakasan ang kanyang pananagutan sa biktima na si Mell Anthonie Hermidilla, 18 taong gulang, estudyante ng Brgy. San Antonio, ng nasabi ring lalawigan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng mada­ling araw, habang papatawid ang biktima sa national­ highway sa naturang lugar nang biglang dumating ang rumaragasang SUV na minamaneho ni Hermidilla at nasagasaan ang biktima.

Gayunman sa halip na tulungan ay humarurot ang sasakyan ng suspek patu­ngo sa katimugang direksiyon ng nasabing lugar.

Nagawa pang maisugod sa Amante Hospital ang biktima pero idineklara na itong dead-on-arrival sanhi ng matinding sugat na tinamo sa kaniyang ulo.

Naaresto naman ang suspek na ngayon ay nahaharap na sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

vuukle comment

GIAN PAOLO BENITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with