Parak utas, utol sugatan sa road crash
Cristina Timbang (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang bagitong pulis habang nasa malubhang kalagayan naman ang nakababatang kapatid matapos sumalpok sa isang road sign ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Maragondon, Cavite kahapon ng umaga.

Nakilala ang namatay na biktimang si Thom Nueva, 24, Patrolman na nakatalaga sa PNP-SAF NCRPO, binata; habang patuloy na inoobserbahan sa ospital ang kalagayan ng nasugatang kapatid na si John Nueva, 22; pawang taga-Brgy. Sabang, Naic, Cavite.

Nabatid na minamaneho ng pulis ang Kawasaki Ninja na wala pang plate number, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang pagsapit sa Brgy. San Miguel B, ay hindi napansin ang isang road sign sa kalsada kaya sumalpok dito.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang dalawa at kapwa nadala naman agad sa San Lorenzo Hospital, pero dahil sa matinding pinsalang natamo ay hindi na umabot ng buhay si Thom.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with