^

Police Metro

Ginang todas, 2 paslit sugatan sa salpok ng trak

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang ginang ang nasawi habang dalawang paslit ang nasugatan matapos na sila ay salpukin ng isang trak na pag-aari ng munisipyo, kamakalawa sa highway ng Sitio Bongsaran, Brgy. Rizal, Gubat, Sorsogon.

Ang ginang na namatay noon din ay nakilalang si Alma Estrada, nasa hustong gulang habang inoobserbahan ang dalawang paslit na sina  John Denver Estadilla, 3; at John Rick Abitan, 4, pawang residente ng nasabing barangay.

Ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya at kinasuhan ng kaso ay kinilalang si Solomon Entac Andal, 43, uti­lity employee ng Barcelona-LGU at residente ng Brgy.Poblacion Sur, Barcelona.

Sa ulat, dakong alas-4:25 ng hapon ay naglalakad sa bangketa ang tatlong biktima nang sila ay salpukin ng trak na minamaneho ng suspek na noon ay lasing umano sa alak.

Nakita ng ilang saksi ang mabilis na pagdating ng trak sa palikong bahagi ng kalsada at nabangga ang tatlong biktima.

vuukle comment

ALMA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with