6 NPA sumuko sa pulisya
MANILA, Philippines — Boluntaryong sumuko sa kampo ng pulisya ang anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Batangas City.
Ayon kay P/Col.Edwin Quilates, director ng Batangas Provincial Police Office, ang anim na NPA ay sumuko sa provincial headquarters sa Camp Miguel Malvar, sa Brgy. Kumintang Ilaya, Batangas City, bitbit ang kanilang mga armas noong Biyernes ng hapon.
Ang mga rebel-returnees na nasa ilalim ng kustodiya at pangangalaga ng Batangas Police ay sumailalim na sa debriefing, processing at documentation, gayundin sa pagpapasilidad ng kanilang aplikasyon para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
- Latest