DILG: ‘Drug money’ nagamit sa eleksyon

MANILA, Philippines — Malaki ang paniniwala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na may “drug money” ang nagamit sa nitong nakalipas na midterm election bunsod na din ng lawak at dami ng kaso ng vo­te bu­ying o pagbili ng boto noong panahon ng kampanya.

“Hindi imposible na drug money din ang gi­namit noong kampanya kaya naman isa din itong aspeto sa kanilang pagkakapanalo considering na malawakan talaga ang pagbili ng boto noong nakaraang halalan,” ayon sa Kalihim.

Idinagdag pa niya na ang DILG ay nakikipag-ugnayan din sa Natio­nal Police Commission (NAPOLCOM) para sa pagtanggal ng police deputation powers ng mga nagwaging narco-politicians bago pa man sila makapanumpa at makaupo sa Hunyo 30.

Tiniyak na rin ni Año na itutuloy pa rin nila ang mga kasong administratibo na isinampa laban sa mga narco-politician na nagwagi sa nakaraang halalan.

Show comments