Malacañang ‘hands off’ sa pagpili ng Speaker

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi ugali ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte na panghimasukan ang aktibidad ng Kongreso at kahit sino ang ma-ging House Speaker ay handa ang Malacañang na makatrabaho ito lalo na sa mga legislative agenda ng administrasyon.
Philstar.com/Kat Leandicho, File

MANILA, Philippines — Sa pagbubukas ng 18th Congress ay hindi makikialam ang Malacañang kung sino ang mahahalal na bagong Speaker ng Mababang Kapulu-ngan ng Kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi ugali ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte na panghimasukan ang aktibidad ng Kongreso at kahit sino ang ma-ging House Speaker ay handa ang Malacañang na makatrabaho ito lalo na sa mga legislative agenda ng administrasyon.

Matunog ang pangalan nina Congressmen elect Alan Peter Cayetano, Martin Romualdez, Lord Allan Velasco at dating Speaker Pantaleon Alvarez sa labanan sa Speakership.

Nagpahayag din noon si Davao Rep. Antonio Floirendo na maging speaker, subalit hindi pinalad na manalo.

Show comments