^

Police Metro

Rider napisak ng trak

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival ang isang 29-anyos na lalaki matapos na masagi siya habang minamaneho ang kanyang motorsiklo at nang bumagsak ay nagulungan ang ulo naganap kamakalawa sa national highway ng Brgy. Bulag, Bantay, Ilocos Sur.

Ang nasawi ay kini­lalang si Christopher Divina habang ang suspek na sumuko sa pulisya ay nakilalang si Joseph Abundo, 35, driver ng van.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng hapon ay binabagtas ng biktima ang nasabing highway nang magtangkang mag-overtake ang suspek nang masagi ang motorsiklo ng biktima dahilan para ito ay bumagsak at nagulu-ngan ang ulo ng hulihang gulong ng van.

Isinugod ang biktima sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center kung saan ito idineklarang patay.

vuukle comment

CHRISTOPHER DIVINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with