Ayon kay Don, taga­pagsalita ng pamilya Ba­gat­sing, tumakbo si Moreno na nasa tamang direksyon at perpek­to ang kanyang kampanya kaya walang pag­kakamali at ramdam ng mga Manilenyo ang sensiredad ng bagong ama ng lokal na pamahalaan.
Facebook/Isko Moreno Domagoso
Mayor Isko suportahan-Bagatsing
Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naniniwala ang civic leader na si Don Bagatsing na malaki ang maitutulong ng bagong alkalde ng Maynila na si Isko Moreno upang gumanda ang kabuhayan at umunlad ang lungsod.

Ayon kay Don, taga­pagsalita ng pamilya Ba­gat­sing, tumakbo si Moreno na nasa tamang direksyon at perpek­to ang kanyang kampanya kaya walang pag­kakamali at ramdam ng mga Manilenyo ang sensiredad ng bagong ama ng lokal na pamahalaan.

Ipinaliwanag pa ni Bagatsing na si Moreno ang pinakabatang alkalde ng lungsod kaya malakas pa ang kanyang energy at ang kanyang mandato ay umaa­paw bagama’t mayroong kinakaharap na malaking problema ang Maynila.

Sinabi ni Bagatsing na hindi nag-iisa si Moreno dahil buong suporta ang ibibigay ng pamilya Bagat­sing sa kanyang bagong liderato.

Samantala, nagpasala­mat naman ang natalong si dating Manila Mayor Alfredo Lim sa kanyang mga supporters at binati si Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna sa kanilang pagkapanalo at hiniling sa mga supporter na tulungang ang bagong liderato.

Maging si outgoing Manila Mayor Joseph Estrada ay nagpaabot ng pagbati kay Moreno at maayos niyang isasalin ang pamumuno at puwesto dito.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with