Mar inendorso ni Sen. Recto

MANILA, Philippines — Inendorso ni Senador Ralph Recto ang kandidatura ni Mar Roxas na magbabalik sa senado.

Sinabi ni Recto, pihikan siya sa pag-endorso at naniniwala siyang ang kalidad ni Roxas ang kailangang makabalik sa Mataas na Kapulungan ng kongreso.

Si Roxas ay isa lamang sa piling panauhin na inimbita ni Recto at ng kabiyak na si Congresswoman Vilma Santos para sa miting de avance ng Team Bangon Lipa nitong unang linggo ng buwan na dinaluhan ng mahigit 20,000 mamamayan.

Nang tanungin si Recto kung bakit inimbita si Roxas na hindi naman nila kapartido, sinabi nitong: “Piling-pili naman yung mga inimbita natin. Yung mga karapat-dapat. Ang mga Batangueño ay magaling pumili. Ano man ang kulay ng partido mo, kumportable tayo.Ang mahalaga, ang mga karapat-dapat lang ang dapat nating iluklok sa senado.”

Show comments