Duterte: Mga NPA rebels na nabaon sa lindol, ‘wag tulungan!

Ito ang siniguro ni Pangulong Rodrigo Du­terte matapos sinabi sa kanya ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Deputy Director Bartolome Bautista noong Martes ng gabi sa pagtama ng lindol sa Eastern Samar.
File

MANILA, Philippines — Wala umanong ma-a­asahang tulong mula sa gobyerno ang mga New People’s Army (NPA) na naapektuhan ng 6.5 magnitude lindol sa Eastern Samar.

Ito ang siniguro ni Pangulong Rodrigo Du­terte matapos sinabi sa kanya ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Deputy Director Bartolome Bautista noong Martes ng gabi sa pagtama ng lindol sa Eastern Samar.

“Pagka ang NPA nabaon doon, huwag mong tulungan. Gagastos lang ako sa mga p***** i**,” wika pa ng Pangulo.

Nabatid na niyanig ng magnitude na 6.5 lindol ang Eastern Samar kamakalawa matapos ang 6.1 magnitude na lindol na tumama sa Central Luzon noong Lunes na kung saan ang Pampanga ang lubhang naapektuhan kung saan ay nasa 16 katao ang nasawi kabilang ang mga biktima sa gumuhong Chuzon supermarket sa Porac.

“Sabi na may nabaon doon na sampu o 20 NPAs there, just tell them that Duterte does not like to spend one centavo of fuel for the equipment to retrieve your comrades. He’s angry at you,” giit pa ng Pangulo.

Magugunita na ilang ulit binibira ng Pangulo ang communist rebels sa kanyang mga talumpati matapos nitong kanselahin ng tuluyan ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at communist group.

Show comments