Paglala ng droga sa Batangas at Lucena City iimbestigahan ng DILG
MANILA, Philippines — Nakatakdang paimbes-tigahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga lokal na opis-yal sa lalawigan ng Batangas at Lucena City na inilagay sa red tag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng malalang problema sa illegal na droga.
Binigyan na ni Año ng direktiba ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Local Government para imbestigahan ang nasabing mga lokal na opisyal sa posibleng kapabayaan sa tungkulin.
“Sometimes ‘yung mga local chief executives natin, hindi naman po lahat, pero meron din diyan na wala rin ginawa kundi they blame everything to the PNP and yet wala naman silang binibigay na suporta,” ani PNP Chief Director General Oscar Albayalde.
Ayon kay Albayalde, pagtratrabahuhin niya ng husto ang mga pulis sa Batangas at Lucena City upang matuldukan ang problema sa droga sa nasabing mga lugar at ng maalis ito sa red tag ni Pangulong Duterte.
- Latest