Erap una pa rin sa bagong poll survey
MANILA, Philippines — Nanatiling nangununa pa rin si incumbent Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, sa pinakabagong poll survey na may malaking kalamangan laban sa kanyang dalawang kalaban sa pagka-alkalde ng lungsod.
Ang mga ginawang pagbabago ni Estrada at pagbabayad ng bilyong utang ang dahilan upang manatili ang tiwala ng Manilenyo at nagbigay sa alkalde ng 46.3 percent votes kumpara sa nakuhang boto ni dating Manila Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mayroon lamang 31.0 percent habang 9.6 percent si dating Manila Mayor Alfredo Lim at 13.1ang undecided.
Isinagawa ng Media Trend Setter (MTS) ang non-commissioned survey sa 1,800 respondents nitong April 12-15, 2019, isang buwan ang bago May 13, 2019 midterm elections.
- Latest