^

Police Metro

7-anyos naboga ng 12-anyos, todas

Joy Cantos - Pang-masa
7-anyos naboga ng 12-anyos, todas
Dead-on-the-spot ang biktimang si Jimuel Yara Garcia, dahil sa tinamong tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kaniyang leeg.
File

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 7-anyos na totoy nang aksidenteng mabaril ng 12-anyos na binatilyo makaraang kunin ang nakatagong baril ng amain sa gitna ng kanilang paglalaro naganap nitong Huwebes Santo sa Brgy. Brgy. Caruray, San Vicente, Palawan, ayon sa ulat kahapon.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Jimuel Yara Garcia, dahil sa tinamong tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kaniyang leeg.

Itinurnover naman ng pulis sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor-de-edad na suspek na itinago sa pangalang “Mark”.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa bisinidad ng nasabing lugar bandang alas-10 ng umaga nitong Huwebes Santo pero napaulat lamang sa pulisya dakong alas-4:30 ng hapon nitong Biyernes Santo dahilan may kalayuan at bulubundukin ang nasabing barangay.

Kasalukuyan uma­nong naglalaro ang biktima at ang suspek kung saan bunga ng kakulitan ay pinakialaman ni Mark ang baril ng kanyang amain na nakatago sa cabinet ng kanilang ta­hanan.

Habang naglalaro ay bigla na lamang nakalabit ng batang suspek ang gatilyo ng baril dahilan upang masapul ng bala sa leeg ang biktima na duguang lumagapak sa damuhan.

Sa pagresponde ng mga pulis, natukoy na isang cal . 45 pistol na walang dokumento na may pitong nakalagay na bala at 13 pang karagdagang bala na nakatago sa diaper ang narekober naman sa tahanan ng batang suspek.

Natukoy naman na ang armas ay pag-aari ng amain ng suspek na si Joseto Vista, 41-anyos, magsasaka.

Inaalam na ng pulisya ang pananagutan ni Vista sa nanagyaring krimen.

vuukle comment

BARIL

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with