Campaign lider ng gubernatorial bet, inutas

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang 56-anyos na campaign lider ni incumbent South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na si Mario Avellana matapos itong barilin sa ulo habang nagkakape sa kanilang bahay sa Barangay Linan, Tupi, South Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, alas-4:00 ng hapon nang pasukin ng isang suspek ang bahay ng biktima at tinanong kung nariyan si Mario.

Nang sumagot ang biktima na siya si Mario ay dito na siya binaril sa ulo at nang bumagsak sa sahig ay muli pa itong binaril para masigurong hindi na  mabubuhay pa.

Show comments