Bomba natagpuan sa Baywalk

MANILA, Philippines — Natagpuan sa tabi ng US Embassy, sa Ermita, Maynila ang isang unexploded explosive ordinance (UXO) o 81mm illuminating round mortar, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat, isang tawag ang natanggap ng Manila Police District –District Tactical Operations and Communictation (MPD-DTOC) alas-8:12 ng umaga kahapon hinggil sa nahukay na bomba na may kapasidad pang sumabog.

Agad rumesponde ang Explosive Ordnance Division Team Viper 42 na pinangunahan ni P/Chief Master Sergeant Holm Fabian at dinatnan sa gilid ng hinuhukay na bahagi ng Baywalk sa tabi ng US Embassy ang nasabing bomba.

Isang Department of Public Works and Highways (DPWH) worker na si Rodolfo Velasco ang nakapansin bandang alas-7:30 ng umaga sa matigas na bagay na nasagi sa isinasagawang dredging ­operation sa shoreline kaya ini-report agad sa otoridad.

Show comments