2 todas,1 grabe sa inuman

MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang katao habang isa ang grabeng nasuga­tan matapos na mauwi sa barilan ang kanilang pag-iinuman sa Purok 10 A, Brgy. Sinunuc, Zamboanga City, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Benzar Amilbangsia, 46 at Amirol Amilbangsia, nasa hustong gulang; magkaanak.

Grabeng nasugatan si Nasri Salahuddin, nasa hustong gulang na isinugod naman sa Zamboanga City Medical Center para malapatan ng lunas.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Mohammad Isiri, 46-taong gulang ng Brgy. Mampang ng nabanggit na siyudad na tumakas matapos ang pamamaril.

Batay sa ulat, ang insidente ay nangyari bandang alas-12:25 ng hapon sa nabanggit na lugar habang nag-iinuman ang mga biktima at suspek ay nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaril ng suspek.

 

Show comments