Pulis tinodas ng 10 rebelde sa sabungan

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang pumasok ng sabungan ang naka-off duty na biktima para magsabong.
File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang pulis na si P/Corporal Randy Ylanan Almanzor, 39, nakadestino sa Dimasalang Police Station matapos na pagbabarilin ng sampung kalalakihan na hinihinalang mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army sa loob ng Pio V. Corpuz Cockpit Arena sa Brgy. Bugang, Pio V. Corpuz, Masbate, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang pumasok ng sabungan ang naka-off duty na biktima para magsabong.

Ilang sandali lang ay nagkagulo na sa loob ng sabungan nang marinig ang magkakasunod na putok at duguang bumulagta ang biktima.

Ayon sa ilang saksi, sampung lalaki na arma­do ng maiigsing uri ng baril ang lumapit sa biktima at saka ito pinagbabaril.

Show comments