^

Police Metro

Buhay ng bombero, ilalahad

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang pagpatay sa sunog at pagligtas sa buhay at mga ari-arian ang isa sa pinakamahirap at peligrosong gawain. Pero hindi pa rin natitinag ang ilang mga Pilipino na boluntaryong sumasagupa sa apoy at isinasangalang-alang ang buhay nang walang hinihintay na anumang kapalit.

Ngayong Sabado (Marso 30) ng 5:15 pm sa ABS-CBN, ipagdiriwang ng ABS-CBN DocuCentral ang katapangan at samahan ng mga Pilipinong volunteer firefighter sa espesyal na dokumentaryong pinamagatang Alab.

Susundan ng dokumentaryo ang mga bombero sa kanilang pagresponde sa mga insidente ng sunog ngayong fire prevention month sa Pilipinas. Gamit ang mga footage mula sa helmet at body cameras, at mga file video, na kinunan habang lumalaban sila sa apoy, masasaksihan ng mga manonood ng malapitan kung paano inaapula ang sunog. Makikita rin dito ang kapatiran ng mga volunteer at ang mga emosyong kanilang dinadala sa bawat pagsubok na makaligtas ng buhay at magsalba ng kanilang mga kasama.

Tampok sa pinakabagong handog ng ABS-CBN DocuCentral ang kuwento sa likod ng trahedya noong 1997, kung saan apat na volunteer firefighters ang pumanaw sa pagresponde sa sunog sa isang pabrika ng damit. Isa sa kanila ang 20 anyos na volunteer ng Caloocan City Filipino Chinese Fire Prevention Association na si Mark Steven Relucio. Sa mga isinulat niya sa kanyang diary, sa mga panayam sa mga naiwan niyang kasamahan, at sa mga balitang lumabas noon, makikita ang saya at pighati na kaakibat ng kanilang pagsisilbi bilang volunteer firemen.

vuukle comment

DOCUCENTRAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with