‘Solvent boys’ sa Quezon City, sasagipin
MANILA, Philippines — Pumirma kahapon ng isang memorandum of understanding (MOU) sina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte para sagipin ang kabataan na tinawag na ‘solvent boys’ sa lungsod.
Ang MOU ay naglalayong iligtas sa kuko ng panganib at kapahamakan ang mga batang lansangan na sumisinghot ng solvent.
Sa impormasyon ng PDEA, nagagamit din ang mga ‘solvent boys’ bilang mga runner at courier ng ilang miyembro ng sindikato na nagpapakalat ng droga sa bansa.
Isinagawa ang PDEA at QCDAAC ang partnership sa isang simpleng seremonya sa “Bahay Pangarap”, sa loob ng Clemente Subdivision, Barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City.
Ang “Bahay Pangarap” building ay gagawin “Sagip Batang Solvent Reformation Center”.
Nangako si Belmonte, ng 100-porsiyento na tutulong at magtatrabaho ng hand on hand para maging matagumpay ang nasabing proyekto.
- Latest