Oil price hike ulit

Sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, tataas ng P0.70 hanggang P0.75 kada litro ng gasolina .
File

MANILA, Philippines — Panibago na namang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis,  tataas ng P0.70 hanggang P0.75 kada litro ng gasolina .

Habang nasa P0.10 hanggang P0.20 kada litro naman ang itataas ng presyo ng diesel at kerosene.

Ang nakaambang taas-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Kung sakali ay pang labing-isang beses na ang pagtaas ng presyo ng gasolina at  pang-siyam na beses naman sa diesel at kerosene ngayong taon 2019.

Nabatid, na kadalasan naman ipinatutupad ang oil price adjustments tuwing araw ng Martes.

Show comments