Pagtabon ng lupa sa dalampasigan inireklamo kay Duterte

MANILA, Philippines — Nagsampa ng reklamo ang nasa 138 mangingisda ng Brgy. Lucap, Alaminos City, Pangasinan sa tanggapan nina Pangulong Rodrigo Duterte, DENR Sec. Roy Cimatu at DILG Usec. Martin Diño laban kay Mayor Arthur Celeste matapos ilegal umanong tabunan ng lupa ang kanilang dalampasigan.

Labis nakaapekto ng kanilang kabuhayan dahil hindi na makadaong ang kanilang mga bangka para maghatid ng mga turista sa hundred islands.

Nabatid na ang bagong restoran umanong itinayo doon ay pag-aari ni Brian Celeste, anak ng kanilang mayor at isa pang cafe na pag-aari naman umano ni Bani Mayor Gwen Yamamoto.

Wala umanong naging aksyon at reklamo ang kanilang barangay chairman na si Raul Bacay at ang CENRO o City Environment and Natural Resources Office na ang tanging naging tugon ni Bacay ay wala siyang magagawa dahil sa utos umano ni Mayor ­Celeste at Congressman Jesus Celeste.

Show comments