Bagong laya sa kulungan tiklo sa P6.8M droga

MANILA, Philippines — Balik sa kulungan ang kalalayang drug suspect na si Jerome Timoteo, 29 matapos na maaresto sa drug buy bust operation ng PDEA dakong alas-12:50 ng tanghali sa loob ng Tutuban Mall sa Tondo, Maynila.

Nabatid na si Timoteo ay may ilang linggo pa lamang nakakalaya mula sa kanyang pagkakakulong sa Davao Penal Farm, pero paglabas nito ng kulungan ay nagbenta na ng droga.

Nasamsam sa suspek ang tinatayang isang kilo ng shabu na may street value na P6.8 milyon na nakalagay sa paper bag.

Show comments