Calabarzon shooting: 5 patay

MANILA, Philippines — Limang tao ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril kamakalawa sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Napatay ang drug suspek na si John Pureza, 35 nang barilin ng mga pulis nang tangkang barilin ang isang undercover agent sa Barangay Cotta, Lucena City, Quezon.

Sa Atimonan, Quezon ay napatay ang suspek na si Edemerson Libot nang mga otoridad matapos na ito ay mag-amok sa Brgy. San Isidro.

Sa Calamba, Laguna, binaril at napatay ng hindi pa kilalang mga suspek ang biktimang si Leo Sambitan habang ito ay naglalakad sa Brgy. Kay Anlog.

Binaril at napatay ng riding in tandem sa Brgy.Namunga, Rosario, Batangas ang biktimang si Felix Inandan.

Samantala, sa Rodriguez, Rizal binaril at napatay ang isang 14-anyos na binatilyo na si Lloyd Santiago ng nag--iisang gunman.

Show comments