^

Barangay officials bigyan ng suweldo - Go

(Pang-masa) - March 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sila ang kadalasang “first responders” sa giyera kontra droga ng Pangulong Rodrigo Duterte ay dapat na bigyan ng suweldo at sapat na benepisyo ang mga barangay official.

Ito ang nais ni dating Special Assistant to the President Secretary (SAP) Bong Go, dahil sa ngayon ay  “honorarium” o allowance lang ang natatanggap ng mga barangay chairman at mga barangay tanod sa bansa.

Kapag nanalong senador ay ipapanukala nitong mabigyan ng maayos na income at benefits ng mga barangay official upang higit nilang magampanan ang kani-kanilang mga trabaho tulad ng pangunguna sa kampanya kontra droga ng gobyerno.

Sa panig naman ni ACT-CIS Partylist, first nominee Eric Yap, ay nagsabing marapat lamang na suklian ng pamahalaan ang serbisyo ng mga barangay official sa bansa.

Isusulong niya sa Kongreso sa oras na sila ay palaring manalo na magkaroon ng suweldo at maitaas ang benepisyo ng barangay official dahil sila nga ang ‘first responder’ at tagapangalaga ng kaayusan at katahimikan sa kanilang barangay.

BARANGAY OFFICIALS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with