Kandidatura ni Janella Ejercito inendorso nina Pacquiao at Mayor Sara
MANILA, Philippines — Inendorso nina Senador Manny Pacquiao at ni presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte ang kandidatura sa pagka-alkalde ng San Juan City si Janella Ejercito ngayong midterm elections.
“Naniniwala ako na sapat na ang pinag-aralan at eksperyensa ni Vice-mayor Janella upang mamuno sa San Juan,” ayon kay Pacquiao.
Ipinakita rin ni Mayor Sara ang kanyang pagsuporta kay Ejercito matapos nitong itaas ang kamay sa isinagawang political rally ng Hugpong ng Pagbabago sa Maynila kamakailan.
Ang dating konsehal at incumbent at San Juan Vice Mayor na si Ejercito ay naging katuwang ni incumbent San Juan City mayor Guia Gomez sa kampanya kontra ilegal na droga sa pamamagitan ng anti-drug and rehabilitation campaign na umani ng mga pagkilala sa ilalim ng San Juan City Anti-Drug Abuse Council or CADAC.
Si Ejercito ay nagtapos ng Political Science sa De La Salle University at nagtapos ng secondary schooling sa Poveda College at noong 2018 ay natapos din ang Emerging Leaders Executive Education sa Harvard Kennedy School of Government sa Cambridge, Massachusetts, USA.
- Latest