^

Police Metro

Doktor niratrat sa harap ng ospital

Joy Cantos - Pang-masa
Doktor niratrat sa harap ng ospital

MANILA, Philippines — Patay ang isang doktor na bise-presidente ng isang world class na ospital matapos itong pagbabarilin nang malapitan ng isang ‘di pa nakikilalang gunman sa harapan ng pinapasukang ospital sa Bgy. Maitim, Bay, Laguna kamakalawa ng hapon.

 

Sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Dr. Roderick Mujer, General Surgeon, at tumatayong bise-presidente ng Global Care Medical Center sa naturang lugar.

Samantalang mabilis namang tumakas ang salarin na nakasuot ng helmet, kulay puting t-shirt, khaki shorts at sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng bayan ng Sta. Cruz matapos matiyak na napurahan nito ang target.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon, kasasakay lang ng biktima sa kanyang kulay puting SUV galing sa kanyang tanggapan nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ito nang malapitan.

Hindi naman nagawang maipagtanggol ng guwardiya na nakatalaga sa lugar ang nasabing doktor dahilan sa pagkabigla.

Nagawa pang makababa sa behikulo ng sugatang biktima bago ito isinugod sa emergency room ng pagamutan pero nabigong maisalba ang buhay.

Sa kasalukuyan, blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng krimen habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

CRIME

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with