Joy B namahagi ng relief packs sa mga biktima ng sunog

Sinabi ni Belmonte na nakaaalarma ang sunod-sunod na kaso ng sunog sa lungsod lalo na at halos nagsisimula pa lamang ang taon at malalaking komunidad na ang natupok dahil sa kadalasang sanhi ay faulty wiring.

MANILA, Philippines — Mahigit 240 pamilya na biktima ng sunog noong Sabado sa Brgy. Pag-asa ang nabigyan ng mga relief packs na ipinamahagi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Pagkatapos mamahagi ay pinangunahan ni Belmonte ang pagsasagawa ng ocular inspection sa pinangyarihan ng sunog na nagdulot sa kanya ng pagkalungkot dahil mayroon na namang isang komunidad sa QC ang nakaranas sa sakuna.

Sinabi ni Belmonte na nakaaalarma ang sunod-sunod na kaso ng sunog sa lungsod lalo na at halos nagsisimula pa lamang ang taon at malalaking komunidad na ang natupok dahil sa kadalasang sanhi ay faulty wiring.

Anya, patuloy na makikipag ugnayan ang kanyang tanggapan sa mga lider ng barangay upang malaman ang iba pang maaaring maipagkaloob na ayuda sa mga nasunugan.

Show comments