2 koreano,17 pa tiklo sa ilegal na pagmimina

Ang pag-aresto sa mga suspek ay nang makatanggap ng reklamo ang NBI sa lantarang pagmimina ng mga nasabing kumpanya na walang kaukulang permit.
Pixabay

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 19 katao kabilang ang dalawang Koreano nang mahuli ang mga ito sa aktong ilegal na nagmimina ng buhangin sa magkahiwalay na lugar sa Pampanga noong Huwebes.

Iprinisinta ng NBI main office sa media ang mga suspek na kinilalang sina Gi Man Lee; Jeong Sunmi, kapwa Korean nationals at operator ng quarrying equipments ng kumpanyang Sammi Vibro; John Paul Sumat; Jory Sabacan; Alberto Lingad; Joseph De Leon; Sandy Vosotros; Alex Basilio; Fernando Tomas; Tyron Manalo; Mark Glen Reyes; at Lamix Abogan.

Naaresto naman sa Brgy. Calsadang Bayu, Porac Pampanga sina Alfer Nueva; Rodolfo Pineda; Higinio Javate; at Ener Dela Cruz.

Ang pag-aresto sa mga suspek ay nang makatanggap ng reklamo ang NBI sa lantarang pagmimina ng mga nasabing kumpanya na walang kaukulang permit.

Show comments