Sekyu dinedo ng obrero at kabaro

Ang biktima na nasawi noon din ay kinilalang si Eduardo Maceda, 33, ng No. 1336 I Goverrnor St., Malinta, Valenzuela City.
File

MANILA, Philippines — Pinagtulungang patayin sa gulpi at saksak ang isang sekyu ng sariling kabaro at obrero na nagtatrabaho sa pinapasukan nilang kumpanya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nasawi noon din ay kinilalang si Eduardo Maceda, 33, ng No. 1336 I Goverrnor St., Malinta, Valenzuela City.

Agad namang naaresto ang isang suspek na si Joselito Pacatang, 35, factory worker, ng No. 34 Gumamela Street, Brgy. Capri, Novaliches, Quezon City habang nakatakas ang kasama niyang sekyu na si Marlon Falcis, 39, ng Block 3 Phase 3 Dagat-Dagatan, Caloocan City.

 Bago nangyari ang krimen dakong alas-7:45 ng gabi sa loob ng compound ng Prime Venture Manufactu­ring and Trading Corp. sa may Beta Street, Don Pablo, Brgy. Malinta ay narinig ng isang obero na kinilalang si Mandel Alfaro mula sa kanyang kuwarto ang pagtatalo kaya’t pinuntahan niya ito para alamin hanggang sa makita na pinagtutulungang gulpihin nina Pacatang at Falcis si Maceda.

Hindi pa nasiyahan si Pacatang ay kumuha ito ng patalim at sinaksak ang biktima na bumagsak sa semento at nasawi. Nadakip ng mga tauhan ng Police Community Precinct 4 si Pacatang habang nakatakas si Falcis.

Show comments