12 studes timbog sa droga

Batay sa ulat ng Makati City Police, dakong alas-6:00 ng gabi nang magkasa ng anti-criminal operation sa Consular Area, Brgy. Southside matapos na makatanggap ng reklamo hinggil sa pagiging mai­ngay ng mga suspek na nakakabulahaw sa mga residente sa lugar.
File photo

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang 12 estudyante sa magkahiwalay na anti-criminal operation sa Makati City at Maynila, kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Makati City Police, dakong alas-6:00 ng gabi nang magkasa ng anti-criminal operation sa Consular Area, Brgy. Southside matapos na makatanggap ng reklamo hinggil sa pagiging mai­ngay ng mga suspek na nakakabulahaw sa mga residente sa lugar.

Nang puntahan ang lugar ng mga suspek ay tumambad ang nasa 11 kabataan na nakasuot ng school uniform at nasa 14 hanggang 17-anyos na nagsasagawa ng drug session.

Tumambad  sa mga pulis ang ilang sachet ng umano’y pinatuyong dahon ng  marijuana at mga drug paraphernalias at nakita rin ang residue ng hinihinalang shabu na ginamit ng mga ito.

Inaresto ang mga estudyante na pawang residente ng Pinagsama Village, Diego Silang, Taguig City at ibinigay sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at nahaharap sa kasong paglabag sa  droga.

Sa Sampaloc, Maynila ay naaresto ang estud­yanteng si Rico Narag, 19 ng Arellano University at residente ng Mabagos St., Tondo, Maynila.

Nabatid na dakong alas-3:10 ng hapon kamakalawa nang makita sa backpack ni  Narag ang dalawang plastic ng marijuana habang dumadaan sa Standard Operating Procedure ng unibersidad kaya’t agad na pinigil ng guwardiya at saka itinurn over sa MPD -PS 4. Kinasuhan din ang suspek sa kasong paglabag sa droga.

Show comments