Harry Roque umatras sa senatorial race

Ito ang kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez matapos magsumite si Roque ng kanyang Statement of Withdrawal sa poll body para sa opisyal na pagbawi ng kanyang certicate of candidacy (CoC) na isinumite naman noong Oktubre 17 ng nakaraang taon.
File

MANILA, Philippines — Inatras ni dating presidential spokesman Harry Roque ang kanyang kandidatura sa pagkasenador sa 2019 midterm elections.

Ito ang kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez matapos magsumite si Roque ng kanyang Statement of Withdrawal sa poll body para sa opisyal na pagbawi ng kanyang certicate of candidacy (CoC) na isinumite naman noong Oktubre 17 ng nakaraang taon.

Nakatakda namang alisin ng komisyon ang pangalan ni Roque sa balota kapag nasunod na nito ang lahat ng requirements para sa pormal niyang pag-atras.

Ang pangunahing dahilan nang pag-atras ni Roque ay ang estado ng kanyang kalusugan matapos aminin na siya ay sumailalim sa isang medical procedure noong Lunes at nadiskubre na mayroon siyang angina coronary disease o isang uri ng sakit na may kinalaman sa puso.

Show comments