Ex-ACT members nabahala sa sitwasyon ng mga kabataan
Gemma Garcia (Pang-masa) - January 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilang dating miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang nagpahayag ng pagkabahala na matulad ang sitwasyon ng mga kabataan sa Pilipinas kung ano ang nangyayari sa North Korea.

Sinabi ng isang dating miyembro ng ACT na si Ka Jaime na ito ang kanilang ikinakabahala sa oras na manalo na magtagumpay ang kilusan sa umanoy ginagawa nitong class hatred, class struggles at walang katapusang mass purging at brainwashing.

Kapag ganito umano ang mangyayari, magmumukha ang Pilipinas tulad ng North Korea na mistulang naka-remote control ang kabataan at kung ano lang ang idikta ng partido ay yun lang gagawin ng kabataan.

Nawala na rin umano sa linya ang ACT dahil madalas tumutok ang mga ito sa national issues at nakalimutan na ang tunay na ipinaglalaban ng partido.

Nauna nang itinanggi ng ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro ang mga paratang na sila ay legal front ng Communist Party of the Philippines.

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with