^

Police Metro

1,025 loose firearms nakumpiska ng PNP

Joy Cantos - Pang-masa
1,025 loose firearms nakumpiska ng PNP
Iprinisinta ni PNP Chief Director Ge­neral Oscar Albayalde sa media ang nasa mahigit isang libong baril na nasamsam sa mga security agencies na tinanggalan ng lisensiya para ‘di magamit sa midterm elections.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng PNP ang nasa 1,025 mga armas mula sa 96 pribadong security agencies na ipinahinto na ang operasyon noong 2018 sa pinaigting na crackdown operations laban sa mga loose firearm sa bansa  kaugnay ng gaganaping midterm election sa Mayo ng taong ito.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, inaasahan namang marami pang mga baril mula sa 356 pang private security agencies na may cease to operate orders ang makukum­piska ng PNP.

Ang pagsamsam ng nasabing mga loose firearms ay bahagi rin ng seguridad na ipinatutupad ng PNP kaugnay ng midterm election sa Mayo ng taong ito upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.

Sinabi ni PNP-SOSIA Director P/Chief Supt.Noli Romana na ang mga lisensya ng 96 pribadong mga security agency ay binawi matapos namang mabigo ang mga itong makapagpa-renew ng kanilang mga lisensya para makapag-operate sa kanilang mga negosyo.

vuukle comment

LOOSE FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with