Mag-asawa na supplier ng mga armas sa mga terorista, nasakote

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga oto­­ridad ang isang mag-asa­wa na umano ay supplier ng mga armas sa mga terorista tulad ng  Maute terrorist group sa isinagawang police ope­ration sa North Luzon Expressway,Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ang mag-asawang suspek na sina Edgardo Medel at Rosemarie Medel na nasakote ng mga elemento ng Regional Special Operations Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa  bahagi ng NLEX sa Valenzuela City dakong alas-6:30 ng gabi.

Ang pagkakaaresto sa mag-asawa ay nang makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad  mula sa kanilang impormante tungkol sa ilegal na aktibidades ng mag-asawang Medel na suppliers ng armas ng Maute Group at maging ilang pulitiko na umoorder para gamitin sa 2019 midterm elections.

Agad ikinasa ang dragnet operation kung saan isang undercover agent ng pulisya ang nakipag-deal sa mag-asawa para bumili ng mga baril sa halagang P1.2 M at itinakda ang transaksyon sa NLEX service station na kung saan sila naaresto ng pulisya.

Show comments