Arrest warrant vs Trillanes hawak na ng NCRPO
MANILA, Philippines — Nakakuha na ang National Capital Region Police Office ng arrest warrant laban kay Senator Antonio Trillanes IV na nahaharap sa kasong libelo.
Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar na sila ay nakipagkoordinasyon na sa Senate sergeant-at-arms para sa follow up para alamin ang kinaroroonan ni Trillanes.
Ang kasong 4 na bilang ng libelo laban kay Trillanes ay isinampa ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Paolo, matapos akusahan ng una ng korapsyon noong nakalipas na taon.
Nagpalabas ng kautusan ang Davao City Regional Trial Court Branch 54 noong Biyernes ng arrest warrant laban kay Trillanes na may piyansang P24,000 bawat isang kaso na aabot sa P96,000.
Maaaring arestuhin ng mga pulis sa Metro Manila si Trillanes kung may hawak silang kopya ng warrant of arrest mula sa Davao City RTC.
Lumabas ang arrest warrant kay Trillanes matapos itong magbayad ng P200,000 travel bond sa Makati Court matapos ibasura ang hiling ng DOJ ng hold departure order laban sa una.
- Latest