Malacañang umaasa na mapapalitan ang Konstitusyon

MANILA, Philippines — Sa kabila na may ilang senador na nagsasabing malabo nang ipasa ng Senado ang panukalang Charter Change ay umaasa pa rin ang Malacañang na maihahabol ang pagpapalit ng Konstitusyon sa federal form sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi man maihabol ngayong taon ay maaari pa rin naman daw ito isingit sa schedule ng Senado sa susunod na taon.

Sinabi pa ni Panelo, mahaba pa raw ang termino ni Pangulong Duterte at may panahon pang natitira para ihabol ang usapin ng Cha-cha.

Show comments