Iniinspeksyon ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang mga sangkap sa paggawa ng shabu na kanilang nakumpiska sa isang bahay na sinalakay sa North Greenhills, San Juan, kahapon ng umaga.
Michael Varcas
Shabu lab sa San Juan, ni-raid
Mer Layson (Pang-masa) - December 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang shabu laboratory ang sinalakay kahapon ng mga otoridad sa San Juan at narekober ang mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng shabu na aabot sa P2.2 bilyon.

Sa ulat ng Eastern Police District (EPD), dakong alas-7:30 ng umaga nang salakayin ang bahay na matatagpuan sa #5 Arthur St., North Greenhills sa bisa ng search warrant #32-2018, na inisyu ni Judge Danilo Cruz ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 152, laban sa isang drug personality na hindi muna pinangalanan.

Nag-ugat ang pagsalakay batay sa sumbong ng mga kapitbahay na may naaamoy silang kemikal mula sa naturang bahay na nirerentahan ng isang lalaki.

Bigo naman ang mga otoridad na maaresto ang tenant dahil wala ito sa bahay nang isagawa ang pagsalakay.

Ayon sa sekretarya ng may-ari ng bahay, nagbayad na ng renta para sa walong buwan ang naturang tenant na umaabot sa P120,000 kada buwan.

Sa pagtaya ng mga otoridad, kayang gumawa ng tinatayang 30 kilong shabu sa isang one-time complete process lamang ng naturang laboratoryo.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with