Kambing nagsilang ng anyong tao

Nasa larawan ang kapwa namatay na kambing at ang isinilang nito na kawangis ng isang tao na ikinagulat ng mga residente sa Sto. Niño, South Cotabato.

MANILA, Philippines — Mistulang kababalaghan ang naganap sa bayan ng Sto. Nino, South Cotabato dahil sa iniluwal ng kambing na kawangis ng isang tao na ikinagulat ng maraming residente rito.

Ayon kay Cristine, ang kumuha ng litrato sa pag-anak ng kambing at kapitbahay ng may-ari ng hayop na kumalat sa social media na hindi umano maipaliwanag ang anyo ng kambing na hugis tao o maikukumpara rin sa isang baboy ngunit may mga paa na katulad din ng sa kanyang ina.

Agad na nag-viral ang kuha nito na kanyang ini-upload sa facebook nitong November 1, pasado alas-8:00 ng gabi.

Posible naman umano na nagkaroon ng abnormalities ang kambing habang buntis ito.

Agad naman  umanong namatay ang kambing matapos na makapanganak kasabay ng pagkamatay ng anak nito.

Show comments