^

Police Metro

Krimen bumaba ng 17%

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa loob ng anim na buwan ay bumaba ng 17 porsi­yento ang total crime volume sa buong bansa.

Ito ang inianunsyo kahapon ni Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde base sa ipinalabas na data ng PNP’s Unit  Crime Periodic Reports (UCPER).

Sinabi ni Albayalde na sa kabuuang 227,757 insidente ng mga krimen na nairekord mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito ay nasa 17.39 % ang ibinaba ang kriminalidad mula sa dating bilang na 275,702 na nairekord noong nakalipas na taon.Sinabi ni Albayalde na ang pagbaba ng index at non-index crimes ay nairekord sa  33.05% at 13.20%.

Kabilang sa index crimes ay murder, homicide at physical injury habang ang non-index crimes ay kinabibilangan naman ng paglabag sa mga ordinansa ng lungsod at iba pang mababang uri ng krimen. Ang kaso ng murder ay bumaba ng 29. 54 %; homicide  9.47 %, physical injury 33.80 %; rape 24.82%; robbery 34.40 %; theft 36.90%; carnapping ng motor vehicles 36.30 % at carnapping ng motorsiklo 26.61%.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with